Welcome to my blog! (Yes, blog not vlog)
I’m sure curious ka at gustong-gusto mo nang malaman kung bakit ako nagsimula ng blog sa panahon ng tiktok at bereal? “Mark, sabihin mo na, hindi na ako makapaghintaaaay.” Wow, I can feel your excitement talaga, pero kalmahan mo lang.
So ito na nga, ang dahilan kung bakit ako gumawa ng blog ay dahil sa…. *drum roll*
“Ha? Dahil sa drum roll? ‘Di ko gets?”
Tsar.
Pero seryoso, gumawa ako ng blog kasi… gusto ko lang.
Kung tulad kita na ganap nang social climber nung mga early 2010s at mahilig manuod kay Carrie Bradshaw at Gossip Girl, sure ako na minsan mo ring sinimulan magkaroon ng blog. Bumili ka ng digicam, nag picture-picture sa starbucks at nagpuyat kagagawa ng about me page. Tapos after a few posts ay hindi mo na naituloy hanggang sa sumikat na ang ig at fb at mas pinili mo na lang magsulat ng mahabang caption kaysa mag-effort na mag maintain ng blog na mas marami pang spam comments kaysa sa visitors.
So yes, dati ko pa gusto talaga magkaroon ng blog na matino at ngayon na may time na ako, itutuloy ko na. At alam ko naman na hindi na masyadong uso pero hindi ko na rin naman intension na maging next Bryanboy. Gusto ko na lang ng place where I can document my ganaps in life as an artist. Isusulat ko yung experience ko from the last 10 years and yung mga mangyayari sa next 5 years. A place I can call mine.
At saka feeling artista kasi ako ‘di ba, so gusto ko yung kunwari may ina-update akong fans sa mga nangyayari sa life ko kahit wala naman may pakialam talaga. And honestly, nag-eenjoy ako magpaka-blogger, nakakamiss, ewan ko ba, iba yung tatambay ka sa coffee shop tapos sulat-sulat ka na ganyan, nakaka-happy. So ibigay ko na sa sarili ko itong satisfaction na ito ‘di ba, why not.
Ayun, if you’re still reading this then I assume interested ka sa blog ko, ang tanong ko sa ‘yo ay bakit, haha tsar lang. Pero thank you, sana ay dalasan mo ang pagbisita, for now, ang masasabi ko lang ay, welcome to my blog!